Monday, December 14, 2009



Si Zahrold yung naka-shade. sya ang aming choreographer sa dance competition sa ROM na ginanap sa isang resort sa Laguna.

Si Gerald white shirt with red hankie tied in his arm. Sya ang pinaka bata sa aming class.

Si Dallyn wearing sleeveless white. Di namin sya ka group sa dance competition pero naki picture sya kasama kami.

Si Ate Elsa... parang meron agila sa dibdib yung damit. Nahirapan si Zahrold magturo ng dance steps dahil 3 kasama namin sa group na meron na konteng age. Isa si Ete Elsa dun.

Si Ako... nakakahiya man magsuot ng sando infornt of the crowd pero yun kasi ang pinili ng aming costume desinger kaya wala ako choice kundi sundin.

At the back ay si Ate Cathy.... isa sya sa meron na age sa grupo namin sa sayaw pero in fairness mahusay pa din sya sa ganun sayaw.

Si Michelle... nakipapicture lang din kais group one sila.........

Dito ko napatunayan na meron pa pala ako talent ng pagsasayaw. One week para mag conceptualize at magbuo ng dance steps. Nakaya naman.

Friday, December 11, 2009

Waiting for TAXI


Instead of waiting sa lobby ng Apple Tree Suites lumabas na kami sa harapan upang magpicturan ulit. Ang dami namin dala. karamihan mga dried fish at dried pusit. Bumili din kami ni Dianne ng tig-isang gallon ng manggo juice dahil talaga naman mura. Biruin nio ang isang pure manggo juice na isang gallon ay nabili namin ng 50 pesos lang at pwede pang refill. Kung meron kau dalang lalagyan dutad ng lagayan ng meniral water mabibili lang sa halagang 25 pesos ang pure maggo juice sa RM farm. Ang mga produkto ng RM farm na tulad ng dried manggo, dried pinya nag mabibili ng mura kung doon kayo bibili sa kanilang factory. Pwede dun bumili ng kahit hindi wholesale (Meaning kahit gusto mu lang tumikim ay pwede ka dun bumili). Pero ang mga dried manggo na yan, pag nakita mu sa market, ang price at halos doble mu ng mabibili lalo kung doon ka na bumili sa loob ng airport ng Mactan.

Apple Tree Hotel in Cebu


Ito yung eksena nung time na paalis na kami sa Apple Tree Hotel sa Cebu. Syempre hindi pwede wala muna picturan. Mga past 12 noon na yan kasi 12noon ang check out sa hotel na yun. Umabot kami ng hangang 2pm bago kami lumabas ng kwarto dahil namili pa kami ng mga pasalubong.
Si Ate Mayeth - Wearin stripe green
Si Roxie - Naka violet
Si Dianne - Sleeveless white
Si Ruchie - Stripe rainbow color
Si Ninang Vicky - Wearing white at the back .
Si Arvy - Wears itim
at Ako - Wear white.
It takes us another one hour para mag hintay ng Taxi patungo ng Mactan Airport pero nagpicutran pa ulit kami pagkababa namin sa lobby ng hotel.

Butterfly Farm


Ito yung butterfly farm sa bohol. Namangha ako sa nalaman kong life cycle ng butterfly. Una itlog plang sila na tinawag na cocoon. then after mga ilang araw lalabas na sila sa cocoon at magiging larva. Pagkatapos ay magkakaroon na sila ng pakpak at magiging ganap ng butterfly.
Take note nadistruct sa aming grupo yung nagpapaliwanag (si Helen) tungkol sa reproductive cycle ng butterfly ng dahil sa lahat kami sa grupo ay gusto ng maging butterfly ng sabihin ni Helen ng ang butterfly pagnagme-mate (sexual reproduction) ay umaabot ng anim hanggang isang araw ng magkadugtong ang kanilang mga katawan. Pero sa side ng babaeng paru paru ay isa palang sacrifice ang kanilang pagrereproduce dahil sabi ni Helen 3 days after makapangitlog ang babaeng paru paru, ito ay mamamatay na. How sad......