Thursday, November 25, 2010

For sale... Friendship!


Kaibigan --- ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang nabanggit? According to Aristotle it is “A single soul dwelling in two bodies”. Ibig sabihin kung ang dalawang tao ay nagtuturingan na magkaibigan, iisa lang ang kanilang kaluluwa. Tulad ng salitang pang kanto “ang dalawang taong magkaibigan ay parihas ang likaw ng bituka”.

Meron akong nabasang isang article ganito ang pakakahulogan sa salitang frienship --- “True friendship is perhaps the only relation that survives the trials and tribulations of time and remains unconditional. A unique blend of affection, loyalty, love, respect, trust and loads of fun is perhaps what describes the true meaning of friendship. Similar interests, mutual respect and strong attachment with each other are what friends share between each other. These are just the general traits of a friendship. To experience what is friendship, one must have true friends, who are indeed rare treasure”.Tama! Ang pagkakaroon ng true friendship is a rare treasure!

Isang maiituturing na siguro na napaka-swerte ng isang tao ang magkaroon ng tunay ng kaibigan yun yung nandiriyan siya lagi, tapat sa pakikitungo, mayroon tiwala at higit sa lahat ang respeto sa bawat isa. Pero pano kung ang pagkakaibigan ay maihahalintulad sa isang kalakal na gusting ipagbili?

Ito yung nabasa ko sa iang blog…

Wala akong dapat ipagpasalamat, siguro, dahil kung utang man ito, alam ko kahit hindi tayo magkwentahan ay bayad na ako kahit interes sobra pa.
Isang taon at dalawang araw din nating napagt’yagaan ang ugaling ‘di maintindihan. Isang taon, mukhang maikli pero para sa akin mahaba itong labanan. Labanan ng pagtitiis mo’t kabaliwan ko. Nang pagluha ko at kawalan mo ng pakialam. Nang kakitiran ng utak natin, ng babaw ng tawa at lalim ng pangarap.
Nagpaalam ka at wala ng babalikan. Ako’y namaalam pero hindi sa’yo kundi sa pagkakaibigan. Hindi ako nagsisisi pero nanghihinayang. Saan? Sa pangakong ating binitiwan pero gaya ng huli mong mensahe, wala na itong bawian. Wala akong pinagsisisihan maliban sa mga pagkakataong kasama ko ang tagumpay pero wala akong kakampay. Pero binago mo ako sa paraang di kayang tanawin ng mata at arukin ng isip. Mali pala ang umpisa, magpapasalamat pala ako kahit huli na. Salamat sa taong iniwan mo sa akin para makasama, sa bagong ako na ginawa mo. ‘Yun lang siguro, para sa iba bayad na ako.
Hindi ko hinangad na ibalik ang pagkakaibigang tinapos ko. Para saan pa? Hindi na natin maaayos ang isang bagay na matagal nang wasak. Winasak ng kawalang tiwala, ng oras, ng panahon, ng pagkakataon. Nang magsimula tayong humakbang patungo sa magkaibang landas, sinigurado nating wala na tayong naiwan. Pati nga yata alaala tinangay nang walang paalam.
Nagayon nga ay malayo na tayo--maliligaw na kung babalik, masusuka na kung patuloy na gigiit. Sabi nga ng isang makata “Ang umaalis ay hindi na nagpapaalam at ang nagpapaalam ay hindi na bumabalik”. Matapos mong mamaalam hiniling kong ‘wag ka nang babalik at akong namaalam upang hindi na makabalik.
Isang bagay na lang ang dapat kong gawin--ang pagaralang lumimot. Wala na ang ikaw, wala na ang forever. Paalam sa iyo taong pamilyar ang mukha pero di ko alam ang pangalan.

Monday, November 8, 2010

Pagsubok


First week of July ng matanggap ko ang balita na hindi mawala sa aking isipan. Ang daming pumasok na alalahanin sa utak ko. Ano kaya ang dahilan baket ako nagkaroon ng ganitong pagsubok? Meron ba ako nagawang hindi maganda sa sarili ko o sa kapwa? Kung sa kapwa siguro wala. Kung sa sarili meron siguro pero hindi naman abot hanggan sa dapat ko ng pagbayaran ng ganito. Kailangan ko bang magkaroon ng ganito upang marealize ko ang aking mga pagkakamali? Pero hindi! Alam ko minsan nakakagawa ako ng kasalanan pero pinagsisisihan ko naman sa bandang huli. Siguro nga pagsubok lang. Hindi naman siguro ako bibigyan ng pagsubok kung hindi ko makakaya.


Second week of July mga alas 9 ng gabi ng matanggap ko ang balitang wala na ang aking nag iisang tatay. Hindi ko ma explain kung ano ang naging reaction ko noong time na yun. Gusto ko sumigaw ng malakas upang di ako magupo sa aking nararamdamn. Gusto ko umuwi sa amin pero di ko magawa dahil kelangan ko din tulongan ang aking kapatid at pamangkin. Bakit nga ba nangyayari ito sa akin. Siguro pagsubok pa din ito. Pagsubok na kailan man di ko na makikita pa ulit ang aking tatay. Isa lang ang aking regret sa pagkawala niya. Totoo, minsan ko lang makausap si tatay dahil sa layo ng manila sa leyte pero walang oras at araw na hindi ko naalala ang mga kabutihan na ginawa niya para sa aming mga anak niya. Mga pagpapakasakit ng isang ama upang maitaguyod niya ang aming magandang kinabukasan. Ngayon wala na siya, hindi ko na rin matutupad ang aking pangarap para sa kanya. Ito lang ang aking regret sa kanyang pagkawala.

Hangang ngayon dala ko pa rin sa aking puso at isipan ang mga pagsubok na dumating sa akin lalo na sa aking kalusogan. Nababahala ako dahil hindi ko alam kung ano na ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung paano haharapin pag dumating na ang araw na hindi ko na makaya. Sa ngayon gusto ko lang ma enjoy ang buhay. Gusto ko laging masaya. Gusto ko walang kaaway o katampohan man lang. Gusto ko mag enjoy habang kaya ko pa. Paano mu ba naman haharapin ang buhay kung pag gising mo isang umaga lagi na lang sumasagi sa isip mo ang alalahanin sa sariling kalusugan? Mahirap di ba? Pero sino ba ako upang questionin ang nasa taas kung bakit binigyan Niya ako ng ganito.

More than three months mula ng malaman ko ang kalagayan ng aking kalusogan ay ito pa rin ako. Lumalaban sa mga pagsubok at kalakaran sa buhay ng tao. Kelangan ko maging malakas ang loob para sa mga naniniwala sa aking kakayahan. Mahirap mag-pretend na masaya kung sa kalooban mu ay mayroon ka inaalala pero ginagawa ko ang maging masaya para sa mga taong gumagabay sa akin at sumusuporta. Hindi ko maipapangako na laging ganito lalo kung hindi ko na makaya. Sana hindi nio ako iwan at lagi kau andyan to give me confidence to move forward and face my struggle…