Monday, November 8, 2010
Pagsubok
First week of July ng matanggap ko ang balita na hindi mawala sa aking isipan. Ang daming pumasok na alalahanin sa utak ko. Ano kaya ang dahilan baket ako nagkaroon ng ganitong pagsubok? Meron ba ako nagawang hindi maganda sa sarili ko o sa kapwa? Kung sa kapwa siguro wala. Kung sa sarili meron siguro pero hindi naman abot hanggan sa dapat ko ng pagbayaran ng ganito. Kailangan ko bang magkaroon ng ganito upang marealize ko ang aking mga pagkakamali? Pero hindi! Alam ko minsan nakakagawa ako ng kasalanan pero pinagsisisihan ko naman sa bandang huli. Siguro nga pagsubok lang. Hindi naman siguro ako bibigyan ng pagsubok kung hindi ko makakaya.
Second week of July mga alas 9 ng gabi ng matanggap ko ang balitang wala na ang aking nag iisang tatay. Hindi ko ma explain kung ano ang naging reaction ko noong time na yun. Gusto ko sumigaw ng malakas upang di ako magupo sa aking nararamdamn. Gusto ko umuwi sa amin pero di ko magawa dahil kelangan ko din tulongan ang aking kapatid at pamangkin. Bakit nga ba nangyayari ito sa akin. Siguro pagsubok pa din ito. Pagsubok na kailan man di ko na makikita pa ulit ang aking tatay. Isa lang ang aking regret sa pagkawala niya. Totoo, minsan ko lang makausap si tatay dahil sa layo ng manila sa leyte pero walang oras at araw na hindi ko naalala ang mga kabutihan na ginawa niya para sa aming mga anak niya. Mga pagpapakasakit ng isang ama upang maitaguyod niya ang aming magandang kinabukasan. Ngayon wala na siya, hindi ko na rin matutupad ang aking pangarap para sa kanya. Ito lang ang aking regret sa kanyang pagkawala.
Hangang ngayon dala ko pa rin sa aking puso at isipan ang mga pagsubok na dumating sa akin lalo na sa aking kalusogan. Nababahala ako dahil hindi ko alam kung ano na ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung paano haharapin pag dumating na ang araw na hindi ko na makaya. Sa ngayon gusto ko lang ma enjoy ang buhay. Gusto ko laging masaya. Gusto ko walang kaaway o katampohan man lang. Gusto ko mag enjoy habang kaya ko pa. Paano mu ba naman haharapin ang buhay kung pag gising mo isang umaga lagi na lang sumasagi sa isip mo ang alalahanin sa sariling kalusugan? Mahirap di ba? Pero sino ba ako upang questionin ang nasa taas kung bakit binigyan Niya ako ng ganito.
More than three months mula ng malaman ko ang kalagayan ng aking kalusogan ay ito pa rin ako. Lumalaban sa mga pagsubok at kalakaran sa buhay ng tao. Kelangan ko maging malakas ang loob para sa mga naniniwala sa aking kakayahan. Mahirap mag-pretend na masaya kung sa kalooban mu ay mayroon ka inaalala pero ginagawa ko ang maging masaya para sa mga taong gumagabay sa akin at sumusuporta. Hindi ko maipapangako na laging ganito lalo kung hindi ko na makaya. Sana hindi nio ako iwan at lagi kau andyan to give me confidence to move forward and face my struggle…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment