Monday, February 8, 2010


Noong magpunta kami ng Bohol expected ko makakakita ako ng tarsier pero ang di ko inaasah ay napakaamo pala ng mga tarsier. Isa sa pinagmamalaki bohol ang tarsier (the smallest monkey in the whole world) na dito lang sa Pilipinas matatagpuan. Di nga lang pwede hawakan dahil nung una pwede hawakan ang mga tarsier kaso tulad ng tao na-e-stress din ang tarsier at sa dami ng mga gustong humawak at magpapicture nanghihina din sila then namamatay pag hindi naagapan. Ngayon pwede magpapicture pero kailangan walang flash ang camera dahil nabubulag pala ang mga tarsier sa lakas ng liwanag. Magkakasya lang sa isang palad ang laki ng bawat isang tarsier.

birthday Picture


Ito yung kuha during my birhtday
si Pacia kumakanta
Si Ate mayet yung sumunod
Yours truly, kumakanta din din ako
Si Ninang Vicky parang di nakainom
Si JR Robles.... di imbitado dahil nakalimotan ko name nia
Si JC nurse ng sunog baga
Si Joi nasa may pintuan...nakapag recharge na sa oras na yan
Si Arvy nagtutulog tulgan
Si Pedro first time ko makita lasing
Si Emmam... ok pala kumanta kahit lasing na
at si Bryan... ok na sia parang tanggal na ang pagka loner..

my bday celebration

Celebration ng birthday ko noong January 30, actually 29 ang birthday ko kaya lang kinbukasan na nag-celebrate upang maka attend lahat ng aking mga friendships dahil may pasok pa kami pag Saturday. Umaga pa lang busy na ang beauty ko dahil requested lahat ng menu na iluluto ko.Unang request ay lumpiang shanghai. Requested ito ni ate mayeth dahil meron siya dugong tsekwa. Pangalawang menu ay hilabos na hipon…. Requested ni Ninang vicks hahil pag ako daw nagluluto ng hipon hindi sya nagpapantal.(allergy kasi si ninang sa hipon). Siguro nga ganun lang talaga ang skin ni ninang di kilala ang pang mayaman na food dahil dun na sa SULAT nasanay ang skin niya. Third is Spaghetti… requested ng lahat dahil pag birthday daw dapat meron spags. Fourth is chop suey … my own personal choice na iluto dahil marami nasasarapan pag ako naggulay ng ganun. Higit sa lahat ang pinaka favorite ko ay ang buko pandan. Di ko alam na pag meron handaan I expect na lagi meron buko pandan. Pagwala hindi talaga ako satisfied. Tungkol naman sa aking mga bisita. Of course dumating ang mga ka berks ko sa school. Walang absent sa kanila (dapat lang! Takot lang nila sa akin). Kasi a week before ng handaan sinabi ko sa kanila na wala talaga dapat absent dahil kung meron absent siya ang gagastos sa kalahati ng nagastos ko. Second deal was dapat walang uuwi sa bahay nila kundi tapos ang celebration pero umuwi talaga si Dianne dahil meron sia maliit pang anak. Si ate Mayeth naman touched talaga ako sa gesture ng babaeng to. Talagang di sia umuwi nung araw na yun to show that she really cares for our friendship. Si Pasya naman gusto umuwi dahil baka daw magalit ang kanyang mga tiyuhin pero talagang nag enjoy.Naalala ko noong gabing yun iba iba pala ang trip ng bawat isa sa amin. I’d like to start with ate mayeth. Sya lang ang hindi uminom ng alcohic drinks nung gabing yun pero ang trip nia ay maghugas ng maghugas ang mga ginamit na mga plato at iba pang kagamitang pang kusina. Si Roxanne naman ang trip ay magpaka lasing. Ayon ala 1:00 pa lang ng madaling araw ay lasing na at tawa na ng tawa. Sabi pa naman ni Derick (kasama ni Roxanne sa office ay hayaan lang daw naming dahil bumabawi lang siya dahil nasa library ang trabaho nila at lagging tahimik ang silid aklatand kaya bumabawi lang siya. Si Dianne nama ay matulog dahil 2 consecutive days na daw sia gising at puyat dahil si deriktor na ka birthday ko ay naghanda din noong araw din ng January 29. Ang trip ni Pacia ay kumanta at sinasabayan ko naman dahil kunwari birthday concert ko daw yun. Ang trip ni ninang ay magmasid sa aking mga kabaranggay.Complete din ang aking mga kabaranggay, si Joi na minsan na lowbat… natulog at kumain then baliks a sirkulasyon. Si Arvy na nagtutulogtulogan para hindi maka inomna marami. Si pedro nalasing tlaga dahil di nia napilgil nasira nia yung tkip ng tv nila Roxanne. Si JC huli ng ng makarating dahil naglaro daw sia ng basketball. Nag dumating daladala pa yung invitation na gawa ninang kasi ang iniisip daw niya ay baka hindi sia makapasok sa loob. Si emman at ivan nagkaroon ng konteng alitan pero kinabukasan ay naayos din. Present din si Bryan na nung una ay hindi nagsasalita sa kwarto dahil parang loner sia pero ngayon ay ok na. Kasama na din yung bagokung kabaranggay na si JR daw. Muntik na di sumama dahil di ko talaga sia isinama sa mga invited dahil do ko sia kilala but I try to tell emman to invite him since mag isa lang sia maiiwan sa bahay.Nagtampo din sa akin yung dalawang kaalyado ni Maribel. Si John at sa Sandy. Di ko kasi sila imbitado dahil meron sila work at that time. Di na ako nag abala sabihan sila dahil alam kong hindi sila makakarating.Dumating din ang dalawa kong berks way back my college days. Si Ana at Rhea pero umuwi ng maaga dahil wala kasama sa bahay nila ang nanay ni ana. Si Rhea naman kelangan makauwi dahil meron na sia family.Mga 4:30 am na natapos ang celebration.

Monday, December 14, 2009



Si Zahrold yung naka-shade. sya ang aming choreographer sa dance competition sa ROM na ginanap sa isang resort sa Laguna.

Si Gerald white shirt with red hankie tied in his arm. Sya ang pinaka bata sa aming class.

Si Dallyn wearing sleeveless white. Di namin sya ka group sa dance competition pero naki picture sya kasama kami.

Si Ate Elsa... parang meron agila sa dibdib yung damit. Nahirapan si Zahrold magturo ng dance steps dahil 3 kasama namin sa group na meron na konteng age. Isa si Ete Elsa dun.

Si Ako... nakakahiya man magsuot ng sando infornt of the crowd pero yun kasi ang pinili ng aming costume desinger kaya wala ako choice kundi sundin.

At the back ay si Ate Cathy.... isa sya sa meron na age sa grupo namin sa sayaw pero in fairness mahusay pa din sya sa ganun sayaw.

Si Michelle... nakipapicture lang din kais group one sila.........

Dito ko napatunayan na meron pa pala ako talent ng pagsasayaw. One week para mag conceptualize at magbuo ng dance steps. Nakaya naman.

Friday, December 11, 2009

Waiting for TAXI


Instead of waiting sa lobby ng Apple Tree Suites lumabas na kami sa harapan upang magpicturan ulit. Ang dami namin dala. karamihan mga dried fish at dried pusit. Bumili din kami ni Dianne ng tig-isang gallon ng manggo juice dahil talaga naman mura. Biruin nio ang isang pure manggo juice na isang gallon ay nabili namin ng 50 pesos lang at pwede pang refill. Kung meron kau dalang lalagyan dutad ng lagayan ng meniral water mabibili lang sa halagang 25 pesos ang pure maggo juice sa RM farm. Ang mga produkto ng RM farm na tulad ng dried manggo, dried pinya nag mabibili ng mura kung doon kayo bibili sa kanilang factory. Pwede dun bumili ng kahit hindi wholesale (Meaning kahit gusto mu lang tumikim ay pwede ka dun bumili). Pero ang mga dried manggo na yan, pag nakita mu sa market, ang price at halos doble mu ng mabibili lalo kung doon ka na bumili sa loob ng airport ng Mactan.

Apple Tree Hotel in Cebu


Ito yung eksena nung time na paalis na kami sa Apple Tree Hotel sa Cebu. Syempre hindi pwede wala muna picturan. Mga past 12 noon na yan kasi 12noon ang check out sa hotel na yun. Umabot kami ng hangang 2pm bago kami lumabas ng kwarto dahil namili pa kami ng mga pasalubong.
Si Ate Mayeth - Wearin stripe green
Si Roxie - Naka violet
Si Dianne - Sleeveless white
Si Ruchie - Stripe rainbow color
Si Ninang Vicky - Wearing white at the back .
Si Arvy - Wears itim
at Ako - Wear white.
It takes us another one hour para mag hintay ng Taxi patungo ng Mactan Airport pero nagpicutran pa ulit kami pagkababa namin sa lobby ng hotel.

Butterfly Farm


Ito yung butterfly farm sa bohol. Namangha ako sa nalaman kong life cycle ng butterfly. Una itlog plang sila na tinawag na cocoon. then after mga ilang araw lalabas na sila sa cocoon at magiging larva. Pagkatapos ay magkakaroon na sila ng pakpak at magiging ganap ng butterfly.
Take note nadistruct sa aming grupo yung nagpapaliwanag (si Helen) tungkol sa reproductive cycle ng butterfly ng dahil sa lahat kami sa grupo ay gusto ng maging butterfly ng sabihin ni Helen ng ang butterfly pagnagme-mate (sexual reproduction) ay umaabot ng anim hanggang isang araw ng magkadugtong ang kanilang mga katawan. Pero sa side ng babaeng paru paru ay isa palang sacrifice ang kanilang pagrereproduce dahil sabi ni Helen 3 days after makapangitlog ang babaeng paru paru, ito ay mamamatay na. How sad......