Monday, February 8, 2010

my bday celebration

Celebration ng birthday ko noong January 30, actually 29 ang birthday ko kaya lang kinbukasan na nag-celebrate upang maka attend lahat ng aking mga friendships dahil may pasok pa kami pag Saturday. Umaga pa lang busy na ang beauty ko dahil requested lahat ng menu na iluluto ko.Unang request ay lumpiang shanghai. Requested ito ni ate mayeth dahil meron siya dugong tsekwa. Pangalawang menu ay hilabos na hipon…. Requested ni Ninang vicks hahil pag ako daw nagluluto ng hipon hindi sya nagpapantal.(allergy kasi si ninang sa hipon). Siguro nga ganun lang talaga ang skin ni ninang di kilala ang pang mayaman na food dahil dun na sa SULAT nasanay ang skin niya. Third is Spaghetti… requested ng lahat dahil pag birthday daw dapat meron spags. Fourth is chop suey … my own personal choice na iluto dahil marami nasasarapan pag ako naggulay ng ganun. Higit sa lahat ang pinaka favorite ko ay ang buko pandan. Di ko alam na pag meron handaan I expect na lagi meron buko pandan. Pagwala hindi talaga ako satisfied. Tungkol naman sa aking mga bisita. Of course dumating ang mga ka berks ko sa school. Walang absent sa kanila (dapat lang! Takot lang nila sa akin). Kasi a week before ng handaan sinabi ko sa kanila na wala talaga dapat absent dahil kung meron absent siya ang gagastos sa kalahati ng nagastos ko. Second deal was dapat walang uuwi sa bahay nila kundi tapos ang celebration pero umuwi talaga si Dianne dahil meron sia maliit pang anak. Si ate Mayeth naman touched talaga ako sa gesture ng babaeng to. Talagang di sia umuwi nung araw na yun to show that she really cares for our friendship. Si Pasya naman gusto umuwi dahil baka daw magalit ang kanyang mga tiyuhin pero talagang nag enjoy.Naalala ko noong gabing yun iba iba pala ang trip ng bawat isa sa amin. I’d like to start with ate mayeth. Sya lang ang hindi uminom ng alcohic drinks nung gabing yun pero ang trip nia ay maghugas ng maghugas ang mga ginamit na mga plato at iba pang kagamitang pang kusina. Si Roxanne naman ang trip ay magpaka lasing. Ayon ala 1:00 pa lang ng madaling araw ay lasing na at tawa na ng tawa. Sabi pa naman ni Derick (kasama ni Roxanne sa office ay hayaan lang daw naming dahil bumabawi lang siya dahil nasa library ang trabaho nila at lagging tahimik ang silid aklatand kaya bumabawi lang siya. Si Dianne nama ay matulog dahil 2 consecutive days na daw sia gising at puyat dahil si deriktor na ka birthday ko ay naghanda din noong araw din ng January 29. Ang trip ni Pacia ay kumanta at sinasabayan ko naman dahil kunwari birthday concert ko daw yun. Ang trip ni ninang ay magmasid sa aking mga kabaranggay.Complete din ang aking mga kabaranggay, si Joi na minsan na lowbat… natulog at kumain then baliks a sirkulasyon. Si Arvy na nagtutulogtulogan para hindi maka inomna marami. Si pedro nalasing tlaga dahil di nia napilgil nasira nia yung tkip ng tv nila Roxanne. Si JC huli ng ng makarating dahil naglaro daw sia ng basketball. Nag dumating daladala pa yung invitation na gawa ninang kasi ang iniisip daw niya ay baka hindi sia makapasok sa loob. Si emman at ivan nagkaroon ng konteng alitan pero kinabukasan ay naayos din. Present din si Bryan na nung una ay hindi nagsasalita sa kwarto dahil parang loner sia pero ngayon ay ok na. Kasama na din yung bagokung kabaranggay na si JR daw. Muntik na di sumama dahil di ko talaga sia isinama sa mga invited dahil do ko sia kilala but I try to tell emman to invite him since mag isa lang sia maiiwan sa bahay.Nagtampo din sa akin yung dalawang kaalyado ni Maribel. Si John at sa Sandy. Di ko kasi sila imbitado dahil meron sila work at that time. Di na ako nag abala sabihan sila dahil alam kong hindi sila makakarating.Dumating din ang dalawa kong berks way back my college days. Si Ana at Rhea pero umuwi ng maaga dahil wala kasama sa bahay nila ang nanay ni ana. Si Rhea naman kelangan makauwi dahil meron na sia family.Mga 4:30 am na natapos ang celebration.

No comments:

Post a Comment