Monday, February 22, 2010
Baranggay Ibabao, Cuenca, Batanggas… First time ko magpunta sa Lugar ng Cuenca Batanggas. February 20, Saturday, mula sa lugar ng aming pinapasokan sa trabaho nagtuloy na ang grupo sa bus terminal sa Buendia. Doon kami ngkita-kita nila Bing, at Karen (ang pamingkin ng may-ari ng resort). Sumakay kami ng bus since wla sa amin ang meron sariling sasakyan. Mag aalas 7 na noong ng gabi pero ok lang dahil marami naman ang masasakyan patungo sa luga kung saan kami pupunta. 137 pesos ang pamasahi mula sa Manila patungo ng Cuenca ganun din ang pabalik dito sa Manila mula naman sa Lipa City dahil walang bus na dadaan pablik ng Manila dun sa Cuenca. Diko alam kung saan umiikot ang mga bus na yon. (aalamin ko pa lang) Imagine in less than two hundred makakarating ka na sa ibang lugar! It takes us two and a half hours sa biyahe dahil sa traffic pero kung walang traffic makakarating na sa lugar sa loob lang ng isa’t kalahiting oras.
Pagdating namin sa bahay nila Karen meron ng pagkain na nakahanda para haponan. Ipinaalam na pala ni Karen na parating kami sa ganun. Ang sarap ng aming haponan (specialty ko lutuin ang sinigang pero mas masarap ang pork sinigang nila! kainis)
After namin maghaponan naghanda na kami para magpunta na sa resort. Walking distance lang ang resort sa bahay nila. Pagdating namin sa resort ay nakahanda na ang room cottage (two queen size bed with aircon for only 2500 a night) na amin tinuloyan.
Maganda ang kapaligiran dahil napakaraming puno. Pagpasok sa gate ng resort una mu makikita ang pool then yung mga open cottages. Ito yung result na hindi binago yung porma ng lupa dahil makikita mu yung natural na porma ng lupa na meron maliit na hills na di tulad ng ibang resort na talagang pinapatag yung lupa. Malamig ang kapaligiran kaya sa unang lusob mu sa tubig talagang ang lamig pero pagnasanay na ang katawan mu sa temperatura ng tubig ay masarap na sa pakiramdam.
Pagkatapos naming magtampisaw sa tubig umahon na kami (mga alas 3 ng madaling araw na siguro nun) at syempre hindi mawawala sa ganitong pagkakataon ang pagkain at inumin. Bumaha ng D’bar at granma (tawag ni Bing sa matador) pero hindi rin naubos dahil most of us hindi gaano umiinon ng nakalalasing. Syempre hindi rin makakalimotan ang kantahan. (Partner na yata sa mga okasyon ang videoke) I tried to sing few songs pero di ko talaga kinarer ang pagkanta dahil ang husay kumanta ng uncle ni Karen. Kahit ano ang kantahin talagang napakahusay. (hanga ako) Sabi ni Karen meron pala banda nung kabataan nila yung uncle niyang yun kaya magaling kumanta.
Mga 4 am na ng kami magtulogan……
Nagising si Ninang Vicky ng mga alas 7 ng umaga. (ang ganda ng sikat ng araw) Nagising lahat dahil nambolabog ang ninang pero nakatulog ulit ang lahat at mga alas 9 na ulit nagising dahil sa puyat. Nag agahan kami ng tinapay at ang daming dalang de lata ni ate Mayet. Yun ang ginawa namin ulam at yun niluto kong pork adobo. Pagkatapos ng agahan nag ay swimming na naman kami.
Mga alas 12:30 ng tangahali magtxt si Bing kay ate mayeth na ready na daw ang lunch pero hindi pa nagsasawa ang grupo sa kakalangoy pero wala kami nagawa kundi umahon nalang dahil nakakahiya pag-antayin pa namin yung food at syempre yung nagprepare ng food. (Libre and Dinner at lunch naming)
After Lunch nag kodakan na naman kami at pagkaapos prepare na sa pag uwi. Mga 5 ng hapon kami sumakay ng jeep tungo ng Lipa….
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment