Monday, September 6, 2010

subic adventure






August 28 fiesta sa Tanza, Cavite. Napagpasyahan naming na doon na mag overnight sa bahay nila Ate Mayeth. Narating naming ang lugar mga alas 8 na ng gabi. Kumain kami ng haponan. Maraming handa ang lola ni ate mayeth sa araw na yun. After naming kumain kwentohan at nood lang ng t.v. sandali at pumunta na kami sa bahay nila ate mayeth mismo upang doon magpalipas ng gabi.
Bago magtulogan isa-isa muna kami naligo. Exciting ang pintuan ng banyo nila ate mayeth dahil blurred lang na salamin ang pinta. Habang nasa loob ka at nililgo clear sa labas kung ano ginagawa mu doon sa loob.
Maga alas 6 kami nagising dahil ang usapan doon sa may ari na sasakyan at alas 8 dapat nasa SM Bacoor na kami dahil doon nalang kami pipick-apin patungo na ng subic. Nakarating naman kami na SM sa tamang oras pero almost 4 hours kami nag-antay sa driver. Mga past 12 noon na kami nakaalis mula sa Bacoor patungo na ng subic. It takes us 3 hour to travel. Dumaan kami ng NLEX then San Fenando, Pampangga patungo sa Dinalupihan hanggang makarating kami na ECTXT. Worth it and byahe at hinid nakakapagod dahil sa gand ang tanawin. Sayang nga lang at hindi kami nakapag pa-picture sa magagandang tanawin habang nasa kahabaan kami ng ECTXT dahil bawal ang huminto sa lugar na iyon kuna walang permiso. Maganda rin ang traffic rules sa loob ng SBMA sa olonggapo. Hindi ko inakala na meron na kami traffic violation dahil kung una ka pa lang dun di mu aakalain na you have to stop in every road crossing dahil walang stop light. Syempre hindi nga kami huminto at pagdating naming sa sunod na kanto nakaabang na ang traffic enforcer telling our driver of the violation na nalabag. Mabuti nalang at mababait din ang traffic enforcer dun. Habang nakikipag-usap ang driver naming sa traffic enforcer tumawag agad si ate mayet sa kakilala niya na taga subic at yun ang nag advice na humingi na lang daw ng sorry since that was our first violation at pagbibigyan daw kami. Yun nga after humingi ng sorry ang aming driver binalik din ang kanyang driver’s license
A week before kami magputa sa Subic nag online booking kami sa Johan’s Beach and Dive Resort para pagdating namin ng subic wala ng abala sa amig tutuloyan pero ng dumating kami laking pagkadismaya naming sa ayos ng room. Totally contradict sa kung ano yun nakalagay nila sa kanilang website. Madilim ang mga kwato at lahat ng gamit kautlad ng t.v., heater, etc. meron karampatang charge. Lesson na nakuha namin ay dapat pala itanong lahat ng kakailanganin sa pag stay sa hotel lalo kung budgeted ang pera.
Dumating ang gabi, imbis na mag order nalang sa kung saan kami naka check-in lumabas kami upang maghanap ng restaurant na makakainan mga bandang alas 8 ng gabi. Napili namin ang Dyarit resto dahil sa kanilang slogan na they serve ng iba’t ibang klaseng luto ng isda. Reasonable naman ang pagkain at kung matakaw sa kanin ay talagang advisable talaga and Dayrit dahil ang isang serving ng kanilang kanin ay pang dalawa na kung sa ibang resto.
Lunes, August 30 holiday ay nasa subic pa rin kami. Mga alas 6 ng umaga nagising ang lahat. Me and Ate Mayeth decided to walk along sa dalampasigan. Habang kami ay naglalakad-lakad ang iba naming kasama ay nakikipag negosasyon na pala sa bangka na aming uupahan para sa island hopping. 800 ang renta sa bangka sa loob lamang ng isang oras. Tatlo ang aming napuntahang island. Pamana island lang ang naalala kong pangalan ng isla. Enjoy ang ang aming paglalayag dahil sa konteng lakas ng alon at minsan pumapasok ang tubig dagat sa bangka. Syempre masarap ang meron konteng thrill. Mga past 12 na ng kami ay nagpasyang bumalik na ng Manila.

No comments:

Post a Comment