Tuesday, January 18, 2011

its over...


Dear RC, Maraming beses ko na itong pinag-isipan nitong nakaraang araw at aking napagpasyahan sa aking sarili: Ito na ang katapusan ng lahat. Makailang beses ko na itong sinabi sayo subalit nawawalan ako ng tapang upang mapanindigan ito. Ngayon, ito na ang pasya ko. Napakahirap para sa akin ang desisyon na ito dahil mahalaga ka sa akin. Masakit man pero aking napagmuni-muni na hindi tayo para sa isa’t isa at ang nag-iisang solusyon ay ang pagpapaalam. Labag man sa aking kalooban at bigat ng aking nararamdaman ay kailangan ko itong gawin.

Hindi ko maipagpapasalamat ang mga nagawa mong bagay para sa akin. Isang bagay lang ang masasabi kong nagpasaya sa akin ay ang relasyon ating binuo at pinag-isa. Humihingi ako ng pasensya sa mga bagay na hindi natin napagkasunduan, sa mga panahon nasayang at ang mga sugat na nabuo ng dahil sa hindi nating napagkaunawaan. Pasensya sa mga masasakit na salitang aking nabanggit at sa mga pangit na bagay na aking nagawa.

Umalis ako ng walang paalam at hindi na nagpunta sa lugar na ating tagpuan upang maiwasan ko ang mga bagay na nagpapaalala sayo, higit sa lahat ang hanapin ko ang aking sarili at upang matutunan kitang makalimotan.

Sisikapin kong maging matatag hangang sa maghilom ang aking sugat at matutunan kong tumawa ng muli at pag dumating ang panahon na maalala ko ang nakaraan at masabi ko sa aking sarili kung gaano ako nagpakagago… ikaw ang unang makakaalam.

Hangang dito na lamang. Nagdurugo ang aking puso at walang kasiguradohan para sa hinaharap pero gusto kong ngumiti para sayo at ipagdasal ang iyong kabutihan. Sana maipagdasal mo din ang aking kabutihan para sa hinaharap.

Salamat sa pagkakaibigan. Salamat sa mga oras na sinayang mo kasama ako. Salamat sa pang-unawa at pag-aruga. Salamat para sa mga nakaraan at mga bagay na ating pinagsaluhan. Salamat sa pagmamahal Babaonin ko lahat ng ito dito sa aking puso

Always

No comments:

Post a Comment