Friday, January 28, 2011

Musika ng pagmamahalan


Kay sarap pakinggan ang mga lingguwahe ng pag-ibig na tunay at wagas na tulad nito:
Tandaan mo palagi na nand’yan lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwanan. Ipaglalaban kita. Ipangako natin sa isa’t-isa na kapag may problemang haharang sa ating pagmamahalan, sabay nating haharapin ang mga iyan, sabay nating labanan, ano mang dagok o pagsubok. Mahirap kapag ako lang ang nakikipaglaban. Mahirap kapag nag-iisa lang akong humarap sa mga balakid na susuungin natin. Ipaglaban mo rin ako. Ipakita mo sa akin na mahal mo ako, na nand’yan ka rin para sa akin; sa pagmamahalan natin. Huwag mong ipadama sa akin na nawalan ka na ng lakas, na nawalan ka na ng pag-asa. Nasasaktan ako... At lalo nang huwag mo akong ipamigay sa iba. Hindi isang bagay ang pag-ibig na puwede mong sabihing sa iba na lang ako, o na nababagay ako sa iba. Hindi sukatan ang pisikal o panlabas na anyo upang masabi mong bagay o hindi bagay sa isa’t-isa ang dalawang taong nagmamahalan. May sariling lingguwahe ang puso na tanging kapwa puso lamang ang nakakaunawa. Wala itong batas na sinusunod, walang sukatan, walang kinikilalang katuwiran. Hindi mo puwedeng itanong kung bakit, kung kailan, kung paano, kung dapat kanino dahil kapag tunay kang nagmahal, ang mga ito ay walang kasagutan at katuturan. Kapag tumibok ang puso, lahat ay tama; kung nagiging mali man ang isang pag-iibigan sa mata ng tao, ito ay dahil hindi nila lubos na nauunawaan ang lingguwahe ng tibok ng puso.

Sayang sa panaginip ko lang siguro ito maririnig…

No comments:

Post a Comment