Wednesday, December 22, 2010

Yearend Blog


I would like to post my year-end blog with grateful thanks to all the people who in one-way or the other made part of my life. I will be leaving out of town for holiday seasons and I planned to practice back-to-basic life during my vacation.

I would like to start with my EAC friends

Vix a.k.a Ninang : Sa’yo ako nag o-open ng aking mga little secrets. Thanks for making our secrets a secret pero ang hindi ko makalimotan ay noong mag birthday ako last January. You went out of the office under time to help me with my preparations and that was really appreciated. When we had conflict, (it was lasted 3 weeks) it was really sad but that was spice of a friendship and its over. Thank you for lending me your ears to ease my life burdens just like when I was having difficulty of accepting my health status and what was happening to my father. Thank you for having me your shoulder to lean on in times of my weakness. A word THANK YOU is not enough for a person like you who deserve a sincere gratitude. Thanks for being my ninang.

Ruchie a.k.a Pacia : Despite of you’re being maldita you were still part of my circle of friends. Kahit minsan we have conflict ideas on something maasahan ka pa rin if need arises. Napapansin ko na you are worried of not having someone to share with the rest of your life and afraid of growing old alone. Never be afraid of that. Dapat kang matakot dun sa tinatawag na sa milyon-milyon tao sa mundo wala man lang isa na nakipaglaban na makasama ka habang buhay. Yan ang dapat mo katakotan. But anyways you still have a long time to wait. Do not get tired of waiting because God will give you what you deserve in due time and if He won’t give you what you desire, He will replace it with more than you deserve.

Roxie a.k.a Marian: Thanks for the company. Hindi ko malilimotan yun atin mga kalokohan sa jeep every time sabay tayo going home after office. Yung mga


Mayeth a.k.a Duchess of Tanza : Thanks for teaching us the values of being simple. Hindi mo lang alam we learn from you so much. The way you act, the way you do thing, the way you deal with the situation conforms the principles of being simple. That is how we (everyone in the group) admire you. You did a great help specially when times of my very down moments. Thanks for the friendship…

Bing & Karen : You guys are my inspiration… I knew you were sometimes get through hard times with your relationship but you try to work it out and choose to stay together. I am not that showy in admiring you both as person but I really do. Thank you for giving me an idea to continue wishing that sometime soon there would be someone who cross my path and ask me to be partner not just in glee but also in trials and burdens. You guys are my way of believing that “there is always goldmine at the end of the rainbow”.

Dianne a.k.a Amba : Hindi ko alam kung paano ko sisimulan and mensahi ko sau dahil sa dami ng dapat ko sabihin di ko alam kung ano uunahin ko. Ganito nalang… wla kang katulad ikaw lang si Dianne.
Mam Grace: You were always there to guide me, to teach me, for advices and everything you can do to make me effective in my career at eac. Salamat gid nga madamo.

Iba’t ibang personalidad, iba’t ibang pananaw pero nagkakatugma at nagkakaisa ng dahil sa pagkakibigan. Happy Holidays and Have a great year ahead…

Friday, December 10, 2010

TimBang Lang


Naisip ko lang kung ano ang dapat ko ma feel sa mga bagay bagay na nangyayari sa atin or sa mga taong malalapit sa atin. Ito ba ay isang coincidence lang or talagang dapat na mangyari dahil ito ay nakatadhana na of ang tinatawag na destiny. Pero para sa mga makakabasa, hindi po ako masyado naniniwala sa destiny bagkus naniniwala ako ng kung ano ang ating ginawa ay ang naging tayo at sa ating gagaawin pa ay ‘yon ang magiging tayo sa hinharap. Mixed emotion kung baga muna tayo sa mga bagay bagay.

Company giveaways: Pearl Shape Ham

Positive: Buti nga meron ngayon kesa noon wala! Kahit na halagang 150 lang yung giveaway na yan at least nag effort sila magbigay ng pabuya sa loob ng isang taon na pagtatrabaho.

Negative: Una at ngayon pangalawalangtaon na pagbibgay ng giveaway ay lagi nalang Ham at minsan malapit ng ma expire at sa loob ng isang taon ng pagtatrabaho worth 150 lang ang pabuya. Ano ka bata na pag nabigyan ng isang kapirasong candy abot langit na ang tuwa mu? Hay Tingin talaga nila sa tao!


Company Xmas Party: Gym

Positive: In fairness taon-taon meron nito dahil siguro nakaugalian na ng mamamayang pilipino katoliko. Meron din kaunting pa raffle para naman masaya ng konte ang xmas party.

Negative: Minsan yung ibang pagkain na sine-serve ay bakit panis!!! Dahil ba libre? At yun mga nananalo sa raffle lalo na yung grand prize ay yung nasa managerial position. Hmmmmm just asking…..

Vacation Leave: Force Leave Daw!!!

Positive: Okay na to para dun sa mga matatagal na hindi umuuwi sa kanilang province. Magsi-uwi naman kayo para makapiling nio mga mahal nio sa buhay na nangungulila sa inyo. Saka dun sa mga kailangan magpahinga muna sandali para naman meron time sa sarili at hindi puro work nalang ang nasa balat.

Negative: Ang 15-day leave ay benefit yun para sa mga employees bakit kelangan magamit sa holiday season leave. Bakit hindi nalang ipamigay ang 1 week xmas holiday sa mga employees as form of aginaldo? Disappointing di ba?

Barkada Tour: Around the Philippines

Positive: Ang saya!!! Ang sarap ng feeling makita yung mga beautiful places of interest sa Pilipinas na sa una sa post card mo lang makikita tulad ng Magellan’s Cross sa Cebu, Chocolate Hills sa Bohol, islands sa Caramoan, Mayon Volcano sa Bicol at marami pang iba. Iba talaga ang feeling pag ganun. Try nio.
Negative: Ang pagod sa kakabyahe! Ang budget kelangan paghandaan at yun risk andun. Minsan kakainis pa kung ang mga kasama mo sa travel ang aarte.

Friends: Best Friend, Primary Friend, Common Friend

Positive: Lahat ng oras maasahan, anjan kung ikaw ay nalulungkot, kung ikaw ay masaya, lagging open ang mga kamay upang tumulong, karamay mo sa hirap at ginhawa.

Negative: Kaibigan ka lang kung kailangan ka niya! Kilala ka kung meron sia pabor sayo at ang pinakamasakit ay kung ipagbibili pa ang pagkakaibigan nia sayo.

Facebook: Social Network

Positive: Dito ko nakausap sa chat ang mga relatives ko sa malalayong lugar tulad ng US, Brazil, Hongkong at iba pang lugar. Dito ko rin nalalaman ang mga happenings ng aking mga batchmates way back high school. Minsan dito rin nabubuo ang mga relationships na nauuwi sa kasalan. Ang saya tulad ng slogan ng Nokia talagan connecting people.

Negative: Dito rin nakikita ng mga kaibigan mo ang iba’t ibang mukha ng iyong pagkatao tulad ng kung sino ang anong klasi ng mga kaibigan mu. Dito rin nabibisto ang mga kalukohan mu sa buhay dahil sa komento ng mga kaibigan mu. At higit sa lahat dito rin natatapos mgandang relasyon kung nagsinunagling ka sa partner mo at nakita nia picture nio ng mga kaibigan mo.

Gamit: Tulad ng Damit

Positive: Ang sarap pag bago at minsan sa pamamagitan ng mga gamit mu naikukubli ang tunay mong pagkatao. Magarang damit, sapatos, bags at iba pa! Akala ng tao madami kang pera dahil sa mga gamit.Can afford ka bumili pero ang hindi alam:

Negative: Tulad ng kasabihan “Ang lusak balotin man ng ginto ay lusak pa rin”!

Edukasyon:

Positive: Kung ikaw ay nakatapos ng kurso at matiyaga ka maghanap ng trabaho sigurado meron ka trabaho. Minsan Ok din ang tingin sa iyo ng ibang tao at kung meron mga pagpupulong madali mo mainitindihan base sa experiences pag-aaral.

Negative: Minsan ito din ang panlaban ng mga walang hiyang mga tao. Sinasangkalan ang pagiging edukado ng isang tao para hindi pumatol sa katarantadohan ng iba. Hindi ka pwede maarte ng hindi naayon sa panlasa ng iba dahil edukado ka! Pero tao din naman yun mga edukado, hindi ba?

Probinsyano: Yung mga lumaki sa mga malalayong probinsya.

Positive: Angat tayo sa mga taga Metropolis when it comes to experiences and courage to face life. Matibay tayo humarap sa hamon ng buhay at simple lang ang ating mithi. Simpleng tao at simpleng pangarap.

Negative: Ang taas ng ating inferiority complex! Minsan kahit Ok na akala natin hindi pa! Tuloy napagkakamahlan tayo ang yayabang!

Love: True Love, Puppy love, ah basta lahat ng Love

Positive: Ang sarap ma in-love

Negative: Ang sakit pag ikaw ay nabigo

Friday, December 3, 2010

Caramoan Experience 3

NAKS
Sumakay kami ng tricycle in Kagawad Ramer. Si Kagawad Ramer ang naging taga hatid sundo sa amin sa lahat ng pupuntahan namin sa Caramoan at tour guide na rin pag nakasakay kami sa kanyang tricycle.Dito kami dinala ni Kagawad Ramer sa Rex Inn para sa amin pansamantalang tirahan. Maliit lang ang place nila at hindi tulad ng mga Inns at Hotels sa City pero Okay na rin ang lugar. Tahimik at talagang pwede ka makapag relax.Syempre bago ang lahat binisita namin ang Parokya ng Caramoan for His Guidance at pasasalamat. Sayang nga lang dahil gabi na ng makarating kami sa simbahan at sarado na. Madilim na kasi doon pag alas 5:30 na ng hapon lalo at umaambon pa.Mga 6:30 palang nasa loob na kami ng aming kawarto. Hindi na kami nakapaglibot sa sentro dahil sa ambon at pagod sa maghapon na byahe. Relax time para sa sunod na araw meron energy sa pag iikot sa mga isla.Wala ng palitan ng damit para mag ikot sa mga isla. Dito namin nakilala ang isang mabait na may ari ng banka. Si Kagawad Ramer din ang naghanap ng banka para sa amin sa halagang 1500 upang maikot namin ang mga isla. Si "Seaman" Ramel naman ang may ari ng banka. Kasama din namin sia sa pag ikot at sabi nila ang ganda ng mga ngiti dahil sa puting -puti ang mga ipin nia. Sayang lang at di pa na transfer ang picture nia dahil sa technical prob.Sya yun naka itim sa likod ng lips lang ang kita sa mukha.Ang Isla na pag aari daw ni Dina Sotto.


Ito yung iba't ibang isla na napuntahan namin. magaganda at white sand lahat ng isla.pagkatapos ng island hopping sakay na naman ng malaking banka pabalik ng Naga at habang nasa banka kami napagpasyahan namin na magpunta sa Ligaspi City to take a look at closer of Famous Mayon Volcano and the remain of the church during the mayon vlocano irruption 100plus years ago.



Cagsawa ang tawag sa lugar.Then balik na ulit ng Manila....
Abangan ang susunod na adventure....

Caramoan Experience 2

Ito yung Naga Airport... Maliit lang pero tahimik at maganda... Nakarating kami dito before 10am at derecho na kami sa terminal ng bus patungo ng Sabang kung saan kami sasakay ng bus papunta Caramoan.Bus mula sa Naga airport patungo ng terminal. Ang terminal malapit lang sa SM Naga. Mga 20 lang pamasahe mula airport hanggan terminal.Mula bus terminal sakay ulit ng van papunta sa isa pang terminal 80 pesos lang pamasahe sa aircon van pero kung hindi maulan at walang baha sa kalye meron derecho hangang Sabang port. Maulan noon magpunta kami kaya cutting trip ang nangyari.Mula van sakay ulit ng jeep tungo ng sabang port. Dito sa jeep namin nakilala ang sina jackie and Royce. Mahilig din sila sa byahe at magpunta sa iba't ibang lugar.Nakisali na sila sa group namin dahil mas ok pag marami para tipid gastos.Yan sila Jackie at Royce, ang partner na mahilig maglagalag sa mga malalayong lugr kahit dalawa lang sila.ito naman ang Duchess of Tanza. Sya ang dahilan kung bakit kami nahilig sa travel. Ito yung kubo na kung saan kami nag antay sa banka na maghahatid sa amin sa Caramoan Island.Ito yung Sabang Port. Kailangan buhatin ang lahat ng pasahero ng banka para hindi basa sa loob ng 2 oras ng byahe. Kailang lang ng magpabuhat kung low tide and dagat dahil hindi makatabi ang banka sa dalampasigan dahil sasayad sa ilalim pero kung high tide naman meron talagan daungan ang bangka at hindi na kailang buhatin ang mga pasahero. 5 peso ang bayad sa taong bubuhat sa iyo at kung gusto mo naman dagdagan ang bayad dahil tingin mu ay oversize ka okay lang mas matutuwa ang taong bubuhat sa'yo.Ito yun banka na naghatid sa amin sa Isla. Sa loob ng dalawang oras ng byahe pwede magpicturan upang hindi maiinip tulad ng ginawa namin.

Wednesday, December 1, 2010

Caramoan Experience

Sunday, November 28, 2010 mga alas 3:00 ng madaling araw nagising ako sa isang txt. Kinuha ko ang aking cell phone at tiningnan kung sino ang nagpadala sa akin ng mensahe na nauna pa sa pagsikat ng araw. “sa airport nlang tau kita kita” ang mensahe sa aking cell phone. Bigla ako napabangon sa aking munting higaan! Ngayon araw pala ang punta ng grupo sa Caramoan, Camarines Sur. Mga 5:00 ng umaga nasa NIA terminal 3 na kami. Una kong nakita si Ate Mayeth na nakapila papasok ng departure area hangang sa kumpleto na ang grupo papuntang Bicol. Mga alas 5:30 ng umaga nakapag check-in na kami at maghihintay nalang ng announcement para sa boardting Alas 6:20 ang boarding time pero noong nasa bus na kami na maghahatid sa amin papunta eroplano meron isang ground steward ang umakyat ng bus to announce that our flight was 30 minutes delayed due to weather condition sa Naga. Balik na naman kami ng waiting area until umabot sa isang oras ang delayed ng flight naming. Mga past 7:30 na ng kami ay makasakay ng plane. Kaya pla ganun na kelangan ng clear weather condition dahil maliit lang na eroplano ang sasakyan naming. Mga 70 seater lang ang capacity. Since maliit ang eroplano magalaw masyado sa itaas lalo ng kung makapal ang ulap dahilan sa pagsuka ng isa namin kasama. Maulan ang buong araw ng Lingo sa Naga City. From Naga City airport sumakay kami ng tricycle hanggan kanto sa highway, then sakay ulit kami ng bus going to Naga, City bus terminal (Malapit lang ang SM Naga sa bus terminal) then sakay na naman ulit kami going to Sabang Port.Mga past 1:00pm na kami nakarating sa Sabang port. Dun na kami nakakain ng sabay ang alamusal at tanghalian while waiting for the banka na sasakyan naming para makarating kami ng Caramoan island.
Pagdating namin sa island sakay na naman ulit kami ng tricycle ni Kagawad Ramer upang ihatid kami sa Villa Juliana Inn pero nag suggest si Kagawad mas maganda sa Rex Inn kaya dun nia kami hinatid. Mga alas 5:00 ng na hapon kami nakarating. Unang ginawa namin ay nailgo kami dahil sa basa kami lahat sa ulan. Sabi nga ng mga kasama ko ay malas naman daw at di namin makikita ang ganda ng island dahil sa maulan pero hindi pa rin kami nawalan ng pag-asa. Pagkatapos maligo nag decide kami na magpunta ng simbahan since napakalapit lang ng simbahan sa Rex Inn pero hindi na kami nakapasok dahil ang alas 5:30 ng hapon doon sa lugar ay napakadilim na. Nagkasya nalang kami magdasal sa may pintuan ang simbahan then picturan pagkatapos magdasal.After namin magpunta ng simbahan nag decide kami maghanap ng makakainan ng haponan. After namin maghaponan umuwi na kami ng Rex Inn para makapagpahinga sa maghapon na byahe and para ready kinabukasan sa island hopping.