Friday, December 10, 2010

TimBang Lang


Naisip ko lang kung ano ang dapat ko ma feel sa mga bagay bagay na nangyayari sa atin or sa mga taong malalapit sa atin. Ito ba ay isang coincidence lang or talagang dapat na mangyari dahil ito ay nakatadhana na of ang tinatawag na destiny. Pero para sa mga makakabasa, hindi po ako masyado naniniwala sa destiny bagkus naniniwala ako ng kung ano ang ating ginawa ay ang naging tayo at sa ating gagaawin pa ay ‘yon ang magiging tayo sa hinharap. Mixed emotion kung baga muna tayo sa mga bagay bagay.

Company giveaways: Pearl Shape Ham

Positive: Buti nga meron ngayon kesa noon wala! Kahit na halagang 150 lang yung giveaway na yan at least nag effort sila magbigay ng pabuya sa loob ng isang taon na pagtatrabaho.

Negative: Una at ngayon pangalawalangtaon na pagbibgay ng giveaway ay lagi nalang Ham at minsan malapit ng ma expire at sa loob ng isang taon ng pagtatrabaho worth 150 lang ang pabuya. Ano ka bata na pag nabigyan ng isang kapirasong candy abot langit na ang tuwa mu? Hay Tingin talaga nila sa tao!


Company Xmas Party: Gym

Positive: In fairness taon-taon meron nito dahil siguro nakaugalian na ng mamamayang pilipino katoliko. Meron din kaunting pa raffle para naman masaya ng konte ang xmas party.

Negative: Minsan yung ibang pagkain na sine-serve ay bakit panis!!! Dahil ba libre? At yun mga nananalo sa raffle lalo na yung grand prize ay yung nasa managerial position. Hmmmmm just asking…..

Vacation Leave: Force Leave Daw!!!

Positive: Okay na to para dun sa mga matatagal na hindi umuuwi sa kanilang province. Magsi-uwi naman kayo para makapiling nio mga mahal nio sa buhay na nangungulila sa inyo. Saka dun sa mga kailangan magpahinga muna sandali para naman meron time sa sarili at hindi puro work nalang ang nasa balat.

Negative: Ang 15-day leave ay benefit yun para sa mga employees bakit kelangan magamit sa holiday season leave. Bakit hindi nalang ipamigay ang 1 week xmas holiday sa mga employees as form of aginaldo? Disappointing di ba?

Barkada Tour: Around the Philippines

Positive: Ang saya!!! Ang sarap ng feeling makita yung mga beautiful places of interest sa Pilipinas na sa una sa post card mo lang makikita tulad ng Magellan’s Cross sa Cebu, Chocolate Hills sa Bohol, islands sa Caramoan, Mayon Volcano sa Bicol at marami pang iba. Iba talaga ang feeling pag ganun. Try nio.
Negative: Ang pagod sa kakabyahe! Ang budget kelangan paghandaan at yun risk andun. Minsan kakainis pa kung ang mga kasama mo sa travel ang aarte.

Friends: Best Friend, Primary Friend, Common Friend

Positive: Lahat ng oras maasahan, anjan kung ikaw ay nalulungkot, kung ikaw ay masaya, lagging open ang mga kamay upang tumulong, karamay mo sa hirap at ginhawa.

Negative: Kaibigan ka lang kung kailangan ka niya! Kilala ka kung meron sia pabor sayo at ang pinakamasakit ay kung ipagbibili pa ang pagkakaibigan nia sayo.

Facebook: Social Network

Positive: Dito ko nakausap sa chat ang mga relatives ko sa malalayong lugar tulad ng US, Brazil, Hongkong at iba pang lugar. Dito ko rin nalalaman ang mga happenings ng aking mga batchmates way back high school. Minsan dito rin nabubuo ang mga relationships na nauuwi sa kasalan. Ang saya tulad ng slogan ng Nokia talagan connecting people.

Negative: Dito rin nakikita ng mga kaibigan mo ang iba’t ibang mukha ng iyong pagkatao tulad ng kung sino ang anong klasi ng mga kaibigan mu. Dito rin nabibisto ang mga kalukohan mu sa buhay dahil sa komento ng mga kaibigan mu. At higit sa lahat dito rin natatapos mgandang relasyon kung nagsinunagling ka sa partner mo at nakita nia picture nio ng mga kaibigan mo.

Gamit: Tulad ng Damit

Positive: Ang sarap pag bago at minsan sa pamamagitan ng mga gamit mu naikukubli ang tunay mong pagkatao. Magarang damit, sapatos, bags at iba pa! Akala ng tao madami kang pera dahil sa mga gamit.Can afford ka bumili pero ang hindi alam:

Negative: Tulad ng kasabihan “Ang lusak balotin man ng ginto ay lusak pa rin”!

Edukasyon:

Positive: Kung ikaw ay nakatapos ng kurso at matiyaga ka maghanap ng trabaho sigurado meron ka trabaho. Minsan Ok din ang tingin sa iyo ng ibang tao at kung meron mga pagpupulong madali mo mainitindihan base sa experiences pag-aaral.

Negative: Minsan ito din ang panlaban ng mga walang hiyang mga tao. Sinasangkalan ang pagiging edukado ng isang tao para hindi pumatol sa katarantadohan ng iba. Hindi ka pwede maarte ng hindi naayon sa panlasa ng iba dahil edukado ka! Pero tao din naman yun mga edukado, hindi ba?

Probinsyano: Yung mga lumaki sa mga malalayong probinsya.

Positive: Angat tayo sa mga taga Metropolis when it comes to experiences and courage to face life. Matibay tayo humarap sa hamon ng buhay at simple lang ang ating mithi. Simpleng tao at simpleng pangarap.

Negative: Ang taas ng ating inferiority complex! Minsan kahit Ok na akala natin hindi pa! Tuloy napagkakamahlan tayo ang yayabang!

Love: True Love, Puppy love, ah basta lahat ng Love

Positive: Ang sarap ma in-love

Negative: Ang sakit pag ikaw ay nabigo

No comments:

Post a Comment