Sunday, November 28, 2010 mga alas 3:00 ng madaling araw nagising ako sa isang txt. Kinuha ko ang aking cell phone at tiningnan kung sino ang nagpadala sa akin ng mensahe na nauna pa sa pagsikat ng araw. “sa airport nlang tau kita kita” ang mensahe sa aking cell phone. Bigla ako napabangon sa aking munting higaan! Ngayon araw pala ang punta ng grupo sa Caramoan, Camarines Sur. Mga 5:00 ng umaga nasa NIA terminal 3 na kami. Una kong nakita si Ate Mayeth na nakapila papasok ng departure area hangang sa kumpleto na ang grupo papuntang Bicol. Mga alas 5:30 ng umaga nakapag check-in na kami at maghihintay nalang ng announcement para sa boardting Alas 6:20 ang boarding time pero noong nasa bus na kami na maghahatid sa amin papunta eroplano meron isang ground steward ang umakyat ng bus to announce that our flight was 30 minutes delayed due to weather condition sa Naga. Balik na naman kami ng waiting area until umabot sa isang oras ang delayed ng flight naming. Mga past 7:30 na ng kami ay makasakay ng plane. Kaya pla ganun na kelangan ng clear weather condition dahil maliit lang na eroplano ang sasakyan naming. Mga 70 seater lang ang capacity. Since maliit ang eroplano magalaw masyado sa itaas lalo ng kung makapal ang ulap dahilan sa pagsuka ng isa namin kasama. Maulan ang buong araw ng Lingo sa Naga City. From Naga City airport sumakay kami ng tricycle hanggan kanto sa highway, then sakay ulit kami ng bus going to Naga, City bus terminal (Malapit lang ang SM Naga sa bus terminal) then sakay na naman ulit kami going to Sabang Port.Mga past 1:00pm na kami nakarating sa Sabang port. Dun na kami nakakain ng sabay ang alamusal at tanghalian while waiting for the banka na sasakyan naming para makarating kami ng Caramoan island.
Pagdating namin sa island sakay na naman ulit kami ng tricycle ni Kagawad Ramer upang ihatid kami sa Villa Juliana Inn pero nag suggest si Kagawad mas maganda sa Rex Inn kaya dun nia kami hinatid. Mga alas 5:00 ng na hapon kami nakarating. Unang ginawa namin ay nailgo kami dahil sa basa kami lahat sa ulan. Sabi nga ng mga kasama ko ay malas naman daw at di namin makikita ang ganda ng island dahil sa maulan pero hindi pa rin kami nawalan ng pag-asa. Pagkatapos maligo nag decide kami na magpunta ng simbahan since napakalapit lang ng simbahan sa Rex Inn pero hindi na kami nakapasok dahil ang alas 5:30 ng hapon doon sa lugar ay napakadilim na. Nagkasya nalang kami magdasal sa may pintuan ang simbahan then picturan pagkatapos magdasal.After namin magpunta ng simbahan nag decide kami maghanap ng makakainan ng haponan. After namin maghaponan umuwi na kami ng Rex Inn para makapagpahinga sa maghapon na byahe and para ready kinabukasan sa island hopping.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment