Friday, December 3, 2010
Caramoan Experience 2
Ito yung Naga Airport... Maliit lang pero tahimik at maganda... Nakarating kami dito before 10am at derecho na kami sa terminal ng bus patungo ng Sabang kung saan kami sasakay ng bus papunta Caramoan.Bus mula sa Naga airport patungo ng terminal. Ang terminal malapit lang sa SM Naga. Mga 20 lang pamasahe mula airport hanggan terminal.Mula bus terminal sakay ulit ng van papunta sa isa pang terminal 80 pesos lang pamasahe sa aircon van pero kung hindi maulan at walang baha sa kalye meron derecho hangang Sabang port. Maulan noon magpunta kami kaya cutting trip ang nangyari.Mula van sakay ulit ng jeep tungo ng sabang port. Dito sa jeep namin nakilala ang sina jackie and Royce. Mahilig din sila sa byahe at magpunta sa iba't ibang lugar.Nakisali na sila sa group namin dahil mas ok pag marami para tipid gastos.Yan sila Jackie at Royce, ang partner na mahilig maglagalag sa mga malalayong lugr kahit dalawa lang sila.ito naman ang Duchess of Tanza. Sya ang dahilan kung bakit kami nahilig sa travel. Ito yung kubo na kung saan kami nag antay sa banka na maghahatid sa amin sa Caramoan Island.Ito yung Sabang Port. Kailangan buhatin ang lahat ng pasahero ng banka para hindi basa sa loob ng 2 oras ng byahe. Kailang lang ng magpabuhat kung low tide and dagat dahil hindi makatabi ang banka sa dalampasigan dahil sasayad sa ilalim pero kung high tide naman meron talagan daungan ang bangka at hindi na kailang buhatin ang mga pasahero. 5 peso ang bayad sa taong bubuhat sa iyo at kung gusto mo naman dagdagan ang bayad dahil tingin mu ay oversize ka okay lang mas matutuwa ang taong bubuhat sa'yo.Ito yun banka na naghatid sa amin sa Isla. Sa loob ng dalawang oras ng byahe pwede magpicturan upang hindi maiinip tulad ng ginawa namin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment