Friday, January 28, 2011

Musika ng pagmamahalan


Kay sarap pakinggan ang mga lingguwahe ng pag-ibig na tunay at wagas na tulad nito:
Tandaan mo palagi na nand’yan lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwanan. Ipaglalaban kita. Ipangako natin sa isa’t-isa na kapag may problemang haharang sa ating pagmamahalan, sabay nating haharapin ang mga iyan, sabay nating labanan, ano mang dagok o pagsubok. Mahirap kapag ako lang ang nakikipaglaban. Mahirap kapag nag-iisa lang akong humarap sa mga balakid na susuungin natin. Ipaglaban mo rin ako. Ipakita mo sa akin na mahal mo ako, na nand’yan ka rin para sa akin; sa pagmamahalan natin. Huwag mong ipadama sa akin na nawalan ka na ng lakas, na nawalan ka na ng pag-asa. Nasasaktan ako... At lalo nang huwag mo akong ipamigay sa iba. Hindi isang bagay ang pag-ibig na puwede mong sabihing sa iba na lang ako, o na nababagay ako sa iba. Hindi sukatan ang pisikal o panlabas na anyo upang masabi mong bagay o hindi bagay sa isa’t-isa ang dalawang taong nagmamahalan. May sariling lingguwahe ang puso na tanging kapwa puso lamang ang nakakaunawa. Wala itong batas na sinusunod, walang sukatan, walang kinikilalang katuwiran. Hindi mo puwedeng itanong kung bakit, kung kailan, kung paano, kung dapat kanino dahil kapag tunay kang nagmahal, ang mga ito ay walang kasagutan at katuturan. Kapag tumibok ang puso, lahat ay tama; kung nagiging mali man ang isang pag-iibigan sa mata ng tao, ito ay dahil hindi nila lubos na nauunawaan ang lingguwahe ng tibok ng puso.

Sayang sa panaginip ko lang siguro ito maririnig…

Tuesday, January 18, 2011

its over...


Dear RC, Maraming beses ko na itong pinag-isipan nitong nakaraang araw at aking napagpasyahan sa aking sarili: Ito na ang katapusan ng lahat. Makailang beses ko na itong sinabi sayo subalit nawawalan ako ng tapang upang mapanindigan ito. Ngayon, ito na ang pasya ko. Napakahirap para sa akin ang desisyon na ito dahil mahalaga ka sa akin. Masakit man pero aking napagmuni-muni na hindi tayo para sa isa’t isa at ang nag-iisang solusyon ay ang pagpapaalam. Labag man sa aking kalooban at bigat ng aking nararamdaman ay kailangan ko itong gawin.

Hindi ko maipagpapasalamat ang mga nagawa mong bagay para sa akin. Isang bagay lang ang masasabi kong nagpasaya sa akin ay ang relasyon ating binuo at pinag-isa. Humihingi ako ng pasensya sa mga bagay na hindi natin napagkasunduan, sa mga panahon nasayang at ang mga sugat na nabuo ng dahil sa hindi nating napagkaunawaan. Pasensya sa mga masasakit na salitang aking nabanggit at sa mga pangit na bagay na aking nagawa.

Umalis ako ng walang paalam at hindi na nagpunta sa lugar na ating tagpuan upang maiwasan ko ang mga bagay na nagpapaalala sayo, higit sa lahat ang hanapin ko ang aking sarili at upang matutunan kitang makalimotan.

Sisikapin kong maging matatag hangang sa maghilom ang aking sugat at matutunan kong tumawa ng muli at pag dumating ang panahon na maalala ko ang nakaraan at masabi ko sa aking sarili kung gaano ako nagpakagago… ikaw ang unang makakaalam.

Hangang dito na lamang. Nagdurugo ang aking puso at walang kasiguradohan para sa hinaharap pero gusto kong ngumiti para sayo at ipagdasal ang iyong kabutihan. Sana maipagdasal mo din ang aking kabutihan para sa hinaharap.

Salamat sa pagkakaibigan. Salamat sa mga oras na sinayang mo kasama ako. Salamat sa pang-unawa at pag-aruga. Salamat para sa mga nakaraan at mga bagay na ating pinagsaluhan. Salamat sa pagmamahal Babaonin ko lahat ng ito dito sa aking puso

Always

Tuesday, January 11, 2011

fun with family and friends


January 7, 2010 ng bumalik ako sa metropolis mula sa 12-day vacation from my own beloved place mula noong December 25, 2010. Dumating ako sa NAIA airport mga alas 9:00 ng gabi due to the delay of flight dahil sa technical problem ng eroplano. Nakarating ako sa aking boarding house mga alas 11:00 na ng gabi. But anyways thanks God we were all safe and that was the most important thing every person wished for.

Christmas day ng hapon ako nakarating ng aming tahanan. Mga bandang alas 4:30 ng hapon. Umuulan at madilim ang panahon. Naabotan ko ang aking nanay at si Gilbert (ang sundalo kong pamangkin) at ang aking brother in-law sa lamesa pero halos hindi na ako makilala ng aking pamangkin dahil sa sobrang lasing at antok. Ang aking nanay naman ay masaya dahil ang akala December 24 pa ang dating ko kaya waiting na sila sa pagdating ko. Of course before anything, bigayan muna ng gift at pasalubong pero and pinaka exciting ay ang lechon na itinira para sa akin ng aking pamangkin.

Siguro ganun na talaga ang weather condition sa visayas region pag “BER” month na maulan. Mula ng ako dumating at umalis ng aming lugar lagi umuulan araw – araw. Isang araw sa loob ng 12 days na ‘yon 1 day lang ang hindi umulan pero makulimlim parin ang panahon pero enjoy pa rin sa kabuohan ng bakasyon.

Marami magagandang pangyayari sa bakasyon ko. Masaya ang re-union ko ng aking mga batch mates sa HCA 91 sa boho beach resort. Mas na – appreciate ko ang boho beach resort ngayon kesa noon. Mas nag improve ang mga cottages nila. Masaya din ang pag visit ko sa “boulevard”. Ito yung place where you can unwind with friend. Pwede kumain ng chicken at pork barbeque with matching “puso” (rice covered with coconut leaf). Pero hindi na tulad noon na pwede ditto hangang 4 am. Ngayon alas 12 pa lang ng hatinggabi wala ng tao. Meron ka lang 2 hundred na budget sa lugar na ito solve na ang unwind mo. Hindi ko rin makakalimotan ang pag visit ko sa “Harupoy beach resort” pero hindi ko masyado na – appreciate and place dahil crowded na sa cottage. Halos wala ng madaanan papuntang beach at wala ng hangin para maging fresh kung nasa cottages kayo. Most specially sa mga naging memorable sa akin ay ang pagiging mas close ko sa bago kong frend. I find him nice and very accommodating. Gel ikaw yun! I know you still have reservation sa pag open up sa mga bagay bagay sa akin pero okay lang dahil we are still on the process of knowing each other but like what I have said I enjoy much being with you and Beth. Mas na enjoy ko ang inoman natin sa gilid ng kalsada sa tapat ng gate nio at yun inoman nating ng red wine sa waitng shed. I also find Ivan and Michael as nice persons. Mike is a person who is not that vocal but has a great sense when he utters words. Ivan is more like an observant but what I like him most is his being intelligent in dealing with situation and topics we discussed. I was disappointed with the other guy! I forgot his name. I don’t like the way he deals with the situation and he couldn’t follow simple instruction.

About MC De leon, I am really eager to meet him the second time before I left but time didn’t permit. How I wish na makita ko pa siya sa sunod kong vacation.

My friends, family neighbors and all people who made my vacation memorable…. Thank you!!!